Mga suspek, tila nilito umano hinggil sa totoong target sa Degamo slay case – pulisya

Ibinunyag ng mga suspek sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo, na pinaniwala umano sila na ibang tao ang kanilang target sa krimen.

Ayon kay Special Investigation Task Force Degamo spokesperson PLtCol Ace Pelare, tila mineslead ang mga suspek kung sinu ang kanilang ipapatumba.

Batay sa mga naunang ulat, isang certain “Congressman Teves” ang itinuro ng mga suspek bilang mastermind, kung saan pumayag umano silang gawin ang assault sa paniniwalang ang target ay isang drug lord.

Kaugnay nito, sinabi ni Pelare na ipinasa na nila ang kaso sa Department of Justice sa gitna ng pagshift na sa final stretch ng imbestigasyon.

Una nito, sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na na nasa tatlong tao ang maaring nasa likod ng pagplano sa pagpatay kay Degamo. //MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *