Mga taga Camarines Norte malaki ang magiging pakinabang sakaling maging general Hospital ang CNPH

CAMARINES NORTE- Inihayag ni Governor Ricarte “Dong” Padilla na malaki ang magiging bentahe sakaling maging Camarines Norte General Hospital ang kasalukuyang Camarines Norte Provincial Hospital (CNPH) at maipapasailalim sa pamamahala ng Department of Health (DOH).

Ayon sa Gobernador tinitingnan na umano ngayon ng Provincial Government ang posibilidad na ma re- nationalized ang CNPH para maging katulad ng Bicol Medical Center sa Naga, Bicol Regional Training and Teaching Hospital sa Albay at Bicol Region General Hospital and Geriatric Medical Center (BRGHGMC) sa Cabusao, Camarines Sur.

Aniya kung magigiging katulad ng mga nabanggit na ospital ang CNPH at mapailalim ito sa control ng DOH ay makakatipid ng nasa mahigit kumulang P300 million ang Provincial Government.

Ang naturang halaga ay magagamit umano sa ospital sa Sta Elena, Capalonga Medicare Community Hospital sa Capalonga at Labo District Hospital.

Kapag nangyari ito hindi na aniya kakailanganing pumunta ng mga taga unang distrito sa Daet.

Kapag naging General Hospital na ang CNPH ay magigi na itong 500 bed capacity.

Bukod dito mayroon din umanong advantage sa mga empleado pag naging nationalized na ang operation ng ospital.

Ang isang magandang pwedeng maging epekto ng re –nationalization, lahat po ng empleado ng Provincial Hospital, magiging general hospital ay magiging under the Department of Health, alam naman natin lahat ng empleado ng ating ospital ay nanganagarap maging empleado ng Department of Health kaya kung magiging nationalized po ang operation nito, ay ang pondo po ay mangagaling na sa DOH malaking bagay po yun at alam niyo naman BMC, yung BRTTH at ito pong Cabusao, ito po ay nakikita niyo isang napakagandang ehemplo ng isang nationalized hospital,” ani Padilla.

Yun po ang gusto kong mangyari sana dito sa Camarines Norte dahil ang pangarap po namin ay ang pasyente natin hindi na kailangang pumunta sa BMC at hindi na kailangang pumunta sa Manila.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *