Mga taga Camarines Norte na kukuha ng PSA- certified documents hindi na kakailanganing lumabas ng probinsiya simula sa second quarter ng 2024

CAMARINES NORTE – Inanunisyo ng Philippine Statistics Authority (PSA) na hindi na kakailanganing lumabas pa ng lalawigan ang mga taga Camarines Norte para sa pagkuha ng PSA documents tulad ng birth certificate simula sa second quarter ng susunod na taon.

Ito ay dahil magbubukas na ang online service ng civil registration sa lalawigan na matagal- tagal na ring inaasam ng bawat Cam Norteรฑo.

Dahil dito hindi na kakailanganin pang magtungo ng Naga o Legazpi ng mga taga Camarines Norte sa pagkuha ng PSA documents tulad ng birth certificate at iba pa.

Ayon kay Chief Statistical Specialist Maria Dulce Padayao, sabay na magkakaroon ng Civil Registration System (CRS) outlet ang Camarines Norte at Sorsogon sa second quarter ng 2024 kaya lahat na ng lalawigan sa Bicol ay mayroon na nito.

Sa ngayon ang mayroong CRS outlet ay sa Naga, Legazpi at nadagdag na rin ang Masbate at Catanduanes.

Ngayong hindi pa available ang CRS outlet sa lalawigan ay ipinapadaan pa sa Batch Request System (BREQS) ang pagkuha ng PSA documents na kadalasang tumatagal ng isa hanggang tatlong linggo.

Ang mga BREQS stations ay matatagpuan sa lahat ng bayan maliban sa Mercedes.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *