Mga tauhan ng CDRRMO na sumailalim sa training emergency operation center, nagtapos na kahapon

Nagtapos na ang tatlong araw na pagsasanay o ang training emergency operation center ng mga personahe ng Legazpi City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO).

Ayon kay Miladee Azur, head ng nasabing opisina, tatlong araw na sumailalim sa training ang mga ito upang malaman ang tamang gagawin sa oras ng kalamidad o emerhensya.

Layunin nitong madagdagan ang kaalaman, tamang pag-uugali, kakayahan at iba pa.

Samantala, ang nasabing aktibidad na isinagawa sa mga tauhan ay pinangunahan ng Office of the Civil Defense.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *