Mga tauhan ng Daraga MPS, pinarangalan ng Albay PPO

LEGAZPI CITY – Binigyan ng parangal ng Albay Police Provincial Office (PPO) ang ilang mga tauhan ng Daraga Municipal Police Station sa Camp Captain Salvador Jaucian  Del Rosario Sr., Brgy. Sta. Cruz, Ligao City.

Pinangunahan ni Albay PPO Provincial Director PCol. Fernando Cunanan, Jr., ang pagbibigay-parangal sa mga tauhan ng nasabing himpilan ng sa pangunguna rin ng kanilang hepe na si PLt. Col. Carl Joseph Jaucian.

Ang nasabing parangal na ibinigay sa himpilan ng pulisya ay dahil sa pagkakahuli sa pangatlo sa most wanted person sa lalawigan.

Patunay umano ito ng taimtim na pagtupad ng kapulisan sa kanilang tungkulin na panatilihing maayos at mapayapa ang kumunidad at masigurong laging ligtas ang buong sambayanan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *