Mga tawag na natanggap ng One Hospital Command, muling tumaas; Pero manageable

Muling tumaas ang bilang ng mga tawag sa One Hospital Command Center o OHCC, na nagrerefer sa mga kaso ng COVID-19 sa treatment facilities.

Pero ayon kay OHCC operations manager Bernadett Velasco, nananatiling manageable pa naman ang sitwasyon.

Batay sa datos, ang center ay nakakuha ng 100 hanggang 120 tawag araw-araw noong Hunyo, pero ang naturang bilang ay umakyat sa average na 300 noong Hulyo.

Noon lang Miyerkules, ang center ay nakatanggap ng 730 calls, kung saan 16 dito ang hindi nasagot.

Hindi naman idenetalye ni Velasco kung bakit hindi nasagot ang naturang mga tawag. // MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *