Mga Telcos, pakikiusapang maglagay ng kiosk sa piling lugar sa Olongapo para sa mandatory simcard registration

Susulatan ng city government ng Olongapo ang mga telecommunications company para hilingin na maglagay ng mga kiosks o assistance center sa ibat-ibang panig ng lungsod.

Ito ay para tulungan ang mga users na makapag-parehistro ng simcards na ang dahilan ay ang kawalan ng internet connection at kakulangan sa kaalaman para maka-access sa mga platform na inihanda ng mga telcos.

Ayon kay Mayor Lenj Paulino, ang mga senior citizens sa Olongapo ay halos sampung libo ang bilang pero iilan pa lang sa mga ito ang nakapag-parehistro ng simcards.

Matatandaan, napansin ng Department of Information and Communication Technology ang pagbagal sa implimentasyon ng mandatory simcard registration act kung kailan papalapit na ang deadline nito sa April 26.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *