Mga telcos sa Olongapo, binigyan ng isang taong palugit para ayusin ang mga sala-salabat na kable

Binigyan ng City Government ng isang taong palugit ang mga telecommunications company na ayusin ang mga nakalaylay at sala-salabat na kable sa Olongapo.

Ito ay kahit pa matagal nang inabisuhan na ayusin ang mga kable na bukod sa eyesore ay pinangangambahan na pagmulan ng aksidente.

Ayon kay City Councilor Ying Anonat na author ng Anti- Wire Dangling Ordinance, pagkalipas ng isang taon ay magsisimula nang magpataw ng multa ang city government sa mga telcos na mabibigong sumunod.

Maniningil ng limangdaan hanggang 2,500 pesos ang siyudad sa bawat kable na hindi maayos ng mga telcos at posibleng mauwi sa di pagpayag na ma-renew ang business permit kung di mababayaran ang lahat ng multa.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *