OLONGAPO – Obligado ang mga towing company na bayaran sakaling mayrong nasirang sasakyan sa ilalim ng costudy ng kumpanya.
Ito ay habang isinasagawa ang paghahatak sa mga sasakyan hanggang sa pagdadalhang yarda para sa mga nahahatak na sasakyan.
Ayon kay OTMPS Chief Major Camilo Pablo, kailangan maging maingat ang mga towing company sa pagkuha ng mga sasakayan dahil maaring magreklamo ang mga may ari sakaling alinmang parti ng sasakyan ang magkaroon ng damage.
Samantala, may ilan na ring motorista ang nagreklamo sa mga kompanya at lahat naman ng gastusin ay binayaran ng towing company. // MICHELLE LOPEZ – BNFM OLONGAPO
Photo Courtesy: OTMPS Olongapo