Mga traysikel drayber, umaaray sa patuloy na pagtaas ng oil products

Umaaray ngayon ang ilang mga traysikel drayber dahil sa muling pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Muli kasing nagbigay ng abiso ang iba’t ibang mga oil companies na magtataas sila ng presyo ngayong linggo kung saan PHP0.95 kada litro ang itinaas sa presyo ng gasolina, PHP0.65 naman sa kerosene at PHP0.35 sa Diesel.

Sa panayam ng Brigada News Team kay Emerson Semana, isang tricycle driver na mula sa District 2, Cauayan City, mabigat aniya sa kanya at sa kanyang mga kapwa tricycle driver ang oil price hike.

Dagdag pa ni Semana, kinakailangan anya nilang mag-doble kayod sa paghihintay ng mga pasahero upang magkaroon ng dagdag na kita.

Kaugnay nito, umapela naman si Semana sa mga commuter na intindihin ang kanilang sitwasyon at kung maaari ay magbayad ng pamasahe na naayon sa fair matrix.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *