Mga tricycle driver sa Legazpi City hinikayat mag pa bakuna proteksyon COVID 19, upang tuloy ang pasada

LEGAZPI CITY – Nangangamba ngayon ang mga tricycle driver na hindi pa bakunado sa lungsod ng legazpi na hindi na muna maaaring  makapamasada ang mga ito sa lungsod.

Ayon kay Rolly Esguerra, ang head ng Public Safetry Office (PSO) Legazpi, kailangan hikayatin ng mga operator ng tricycle sa nasabing lungsod na magpabakuna ang mga driver bago mamasada.

Aniya, tiyakin dapat ng operator na bakunado ang isang driver upang hindi malagay sa peligro ang buhay rin ng pasahero at maging ang driver.

Sa oras na hindi bakunado ang tricycle driver ay maaaring magkaroon ng hawaan sa sakit na covid 19 at omicron variant.

Aabot sa mahigit kumulang na 2K ang nakarehistro sa lungsod.

Inaasahan ng opisyal, na ang nasabing bilang ay dapat mga bakunado na rin ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *