Mga tricycle driver sa Sorsogon, dumaraing na sa mahal na presyo ng petrolyo

SORSOGON CITY–Ayuda at mga subsidiya ang sigaw ng mga tricycle drivers at operators sa lungsod ng Sorsogon matapos pumalo ng hanggang 90 pesos ang kada litro ng gasolina.
Sa panayam ng Brigada News FM Sorsogon kay Manuel Detera, ang Presidente ng Federation of Associated Tricycle Operators and Drivers (FASTOD), sinabi nito na wala naman silang ibang malalapitan na makakapagbigay sa kanila ng tulong kundi ang lokal na pamahalaan.
Ayon dito, batid naman umano nila na hindi kontrolado ng pamahalaan ang world market kung kaya sa ayuda o tulong na lamang ng LGU sila kumukuha ng pag-asa na mapagaan kahit papaano ang kanilang kabuhayan.
Anya pa, bagama’t may mga nauna na umanong tulong na ibinigay ang LGU ngunit talagang kulang pa ito kung kukwentahin.
Pangamba ni Detera na sa oras na umabot na sa isang daan piso ang presyo ng mga produktong petrolyo ay baka maging sanhi ito ng talamak na pang-aabuso sa mga commuters at paghinto sa pamamasada ng maraming tsuper.###

Leave a Reply

Your email address will not be published.