Mga tricycle drivers na naniningil ng mahal na pamasahe sa Koronadal, pina-alalahanan

KORONADAL CITY — WALANG karapatang mag-demand ng mas mataas na pamasahe ang mga tricycle driver sa lungsod ng Koronadal.

Ito ang nilinaw Joy Placer, hepe ng City Traffic Management Office o CTMO-Koronadal sa panayam ng Brigada News FM Koronadal.

Ayon kay Placer, wala pang bagong fare matrix na inilabas ang lungsod at nananatiling epektibo ang 2014 fare rates bilang basehan ng pamasahe sa buong Koronadal.

Paliwanag ng opisyal na nasa pasahero na kung magbibigay ito ng sobra sa kasalukuyang fare matrix.
Apela na lamang ni Placer sa mga pasahero at driver na magkasunod na lamang sa pamasahe upang maiwasan ang bangayan.

Base sa 2014 fare rate ng lungsod, P10 ang regular na pamasahe sa sentro ng lungsod; P8 sa mga highschool at college student at mga senior citizens; P7 sa mga estudyante sa elementarya at P5 sa mga daycare at kindergarten pupils.

Sa ngayon, hindi pa aprobado ang apela na P8 bilang dagdag pamasahe ng mga tricycle operators at drivers sa Koronadal.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *