Magsisimula na ngayong araw ang dagdag singgil sa South Luzon Expressway.
Base sa abiso ng SLEX madadagdagan ng P10 ang mga sasakyan na pasok sa class 1.
P20 naman ang idadagdag sa mga sasakyang pasok sa class 2.
Habang P30 naman ang madadagdag sa class 3 sa mga babyahe mula Alabang hanggang Calamba Laguna.
Pagdating naman sa Calamba hanggang sa Batangas madagdagan ng P4 hanggang P8 ang singgil para sa toll fee.
Bukod diyan may piso hanggang tatlong piso na dagdag singgil sa toll sa Muntinlupa to Cavite expressway.
Ayon sa Toll Regulatory Board gagamitin ang malilikum na pera sa pagpapaganda ng SLEX.