MGCQ ng Lipa City, pinababawi; Batangas nananatili sa GCQ ayon kay Gov Dodo

Batangas -Pinababawi ng Batangas IATF ang nauna nang deklarasyon na isailaim sa MGCQ ang Lipa City at ibalik ito sa GCQ dahilan sa banta ng delta variant sa Batangas.

Sa isinagawang IATF meeting,. Una nang iniutos ni Batangas Gov Dodo Mandanas na i-recall o bawiin ang naunang deklarasyon at sumulat sa Region IATF upang tuwirang maibalik sa GCQ ang naturang siyudad.

Wala pa naman kaukulang reaksyon ukol dito si Lipa City Mayor Eric Africa.

Samanatala, hindi na rin na muna ilalatag ng Batangas IATF sa Regional IATF ang kagustuan ng bayan ng Mataas na Kahoy na ilagay sila sa MGCQ dahilan nga sa sitwasyon ng mga karatig probinsya.

Sa hiwalay na panayam naman kay DILG Batangas Director Abby Andres, nabatid na ipinababahala nan g Batangas IATF sa mga local na pamahalaan kung anong restrictiosn ang kanilang ilalatag kung sakaling magsi-uwian ang mga kababayan natin mula sa NCR na nakatakdang isaialim na sa ECQ.

Inihalimbawa na ang mga inilatag na paghihigpit sa Batangas City at sa bayan ng Lobo upang mapigilan ang pagdadala o pagkalat ng covid19 delta variant.

Samantala, idiniin pa rin ng pamahalaang panlalawigan na ang Batangas ay nananatili pa rin sa ilalim ng General Community Quarantine hanggang Agosto 31 base na din sa memorandum na ipinalabas ni Gov Dodo Mandanas.

Sa usapin naman ng pagsasa-ilalim sa ECQ kasama ang iba pang lalawigan sa Calabarzon ay nilinaw ni Sec Vince Dizon, Deputy Chief Implementer ng Nataional Task Force againts Covid19 na wala pang desisyon ang IATF kung tuwiran nang ngang ilalagay o isasabay ang Calabarzon region sa mas mahigpit na quarantine status gaya ng NCR sa Agosto 6 na tagagal hanggang a-bente ng naturang buwan.

Isinagawa ang paglilinaw na ito ni Sec Dizon matapos ang umano’y pulong ng mga gobernador sa rehiyon at ni DOH Sec Francisco Duque at kinatawan ng DILG.

Leave a Reply

Your email address will not be published.