MH17 probe, iniugnay si Vladimir Putin sa missile na nagpabagsak ng eroplano

Iniugnay ng mga prosecutors sa The Hague si Russian leader Vladimir Putin sa paglipat ng mga missiles sa mga rebeldeng suportado ng Russia sa eastern Ukraine na kalaunan ay responsable sa pagpapabagsak sa Malaysian Airlines flight MH17.

Ang MH17 ay tinamaan ng BUK missile noong July 17, 2014 na noon ay patungong Kuala Lumpur mula sa Amsterdam. Namatay ang lahat ng 298 tao na sakay ng eroplano.

Sinabi ng mga imbestigador sa Netherlands na mayroong malakas na indikasyon batay sa mga na-intercept na phone calls na personal na inaprubahan ni Putin ang paglilipat ng mga armas sa mga proxy force nito sa Ukraine.

Matagal nang itinanggi ng Russia ang involvement nito sa insidente sa kabila ng malakas na ebidensya na may kinalaman ang bansa.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *