MHO Bula, Camarines Sur nag babala laban sa diarrhea

NAGA CITY- Nagbabala ang Municipal Health Office ng Bula Camarines Sur sa publiko na mag-ingat sa Diarrhea.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay MHO Dr. Evangeline Consolacion, sinabi nitong , ang pagtatae ay karaniwang sakit kapag tag-ulan. Panay ang ulan nitong Hulyo sa lalawigan.

Dapat aniyang mag-ingat lalo na sa iniinum na tubig. Bilang hakbang upang maiwasan ito, regular ang testing ng tubig sa bayan, gayundin ang chlorination. Wala naman aniyang naitatalang kaso pero mabuti na ang nag-iingat.

Ayon sa DOH Bicol ang Diarrhea ay nakukuha sa maruming o kontaminadong pagkain; watery ang dumi ng nakakaranas na tumatagal na ng tatlong araw o higit pa.

Inabisuhan ang publiko na agarang magpakonsulta sa pinakamalapit na health facility kapag nakakaramdam ng anumang sintomas.

Sa Rapu-rapu Albay tatlo na ang nasawi habang 40 ang nagpapagaling dahil sa naturang sakit. Kontaminasyon sa inuming tubig naman ang itinuturong sanhi batay test ng water samples.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *