MHO Goa, Camarines Sur problemado rin sa mga malapit nang mag expire na bakuna VS COVID-19

NAGA CITY- Problemado ang Municipal Health Office ng  Goa Camarines Sur sa mga mag e-expire nang bakuna laban sa COVID-19.

Ito ang napag- alaman ng Brigada News FM Naga kay Dr. Dado Fuentebella. Aniya kakaunti na ang gustong magpabakuna, kung mayroon man ay pumupunta sa health office at ang rason ay kailangan o requirements sa pag biyahe. Katunayan may mga darating pang bagong batch ng bakuna pero malapit na ring mag expire.

Dagdag ni Fuentebella pag-uusapan nila kung ano ang nararapat na hakbang upang hindi masayang ang COVID-19 vaccine.

Sa ngayon abala ang health offices sa Bicol sa Community-based House-to-house Mass Philippine Package for Essential Non-Communicable Diseases Interventions (PhilPEN) Risk Assessment Activity.

Mababatid na sinabi ni DOH OIC Sec. Maria  Rosario Vergeire na posibleng umabot sa 50 million dosage ang masayang ngayong Marso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *