MHO hinimok ang mga Paracaleno na kabilang sa A2 at A3 category na magpalista na para sa bakuna

PARACALE, CAMARINES NORTE- Hinimok ng Municipal Health Office (MHO) ang mga taga Paracale, Camarines Norte na kabilang sa A2 at A3 category na magpalista at magpa pre- screening para sa bakuna kontra COVID- 19.

Kasunod yan ng anunsiyo ng  Department of Health (DOH) at ng Provincial Health Office (PHO) na babakunahan na rin ngayong buwan ang iba pang mga kasama sa priority list tulad ng A2 at A3.

Kabilang sa A2 ay ang mga nakatatandang mamamayan na may edad na 60 taong gulang pataas, habang ang A3 naman ay yaung  mga taong may comorbidities o may ibang karamdaman tulad ng diabetes, altapresyon, may sakit sa puso at iba pa na hindi kasama sa mga naunang kategorya.

Sa isang pahayag sinabi ni Dr. Wilfred Peralta, Rural Health Physician at Co- Chair ng Paracale Vaccine Operation Center, na maaaring magtungo ang mga pasok sa nabanggit na kategorya na gustong magpabakuna sa Rural Health Unit (RHU) I- sa Poblacion Norte at RHU- II sa Mampungo.

Binigyang diin naman ni Dr. Peralta na ang mga A2 at A3 na may mga unstable o hindi maayos at uncontrolled condition batay sa assessment o screening ng doktor ay sa mga ospital lamang babakunahan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *