MHO Subic nagsimula nang tumanggap ng online registration para sa mga nais magpabakuna na edad 12-17

Nagsimula nang tumanggap ng online registration ang Municipal Health ng Subic para sa mga 12-anyos hanggang 17-anyos na nais magpabakuna laban sa corona virus disease.

Ito ay para kung sakali mang magbigay na ng go signal ang Department of Health nang pagbabakuna ay makakapagturok kaagad ang MHO.

Ayon kay Municipal Health Officer Dr. Nadjimin Ngilay, sa ngayon ay mayroon na ring ilan ang nagparehistro.

Makikita ang link na kailangan sa online registration sa official facebook page ng Subic Municipal Health Office.

Maliban dito, nagsimula nang magbakuna ang MHO sa mga nasa tinatawag na ROPE o Rest of Population.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

May be an image of text that says 'FACT! Chronic Diseases Kapag dumami ang free radicals sa ating katawan, magdudulot ito ng oxidative stress na siya namang sanhi ng pagkakaroon ng chronic disease. Ang anti-oxidants tulad ng vitamin c ay panlaban naman sa free adicals dahil may kakayahan itong protektahan ang ating kalusugan at pinapalakas ang Immune system. SHOP NOW! Lazada ASCORBIC ACID (as Calcium Ascorbate) GUARD-C'

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *