MHO Surallah, may bagong lying-in

KORONADAL CITY- ITINURN-OVER na sa Local Government Unit o LGU Surallah ang bagong Municipal Health Office o MHO Surallah Lying-in, isang Mother Baby Friendly Birthing Facility.


Ang naturang proyekto ay pinondohan ng P 1.5 million mula sa Department of Health o DOH sa ilalim ng Health Facilities Enhancement Program.
Sa pamamagitan nito mas mapapabuti pa ang serbisyo ng LGU sa mga manganganak na ina at kanilang mga sanggol.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *