MIAA GM Chiong, isinailalim sa preventive suspension ng Ombudsman dahil sa umano’y grave abuse of authority

Isinailalim sa preventive suspension ng ombudsman si Manila International Airport Authority General Manager Cesar Chiong.

Ayon  kay Chiong, ang suspension ay dahil sa ginawa niyang re-assigning sa ilang MIAA employees bilang bahagi ng kanyang hakbang na mapahusay pa ang operasyon ng airport.

Naging basehan umano ng ombusdman ang anonymous complaint kaugnay ng umano’y grave abuse of authority.

Sinabi ni Chiong, kumpiyansa siyang malilinis ang kanyang pangalan sa nasabing issue matapos na mapayagan siyang hingin ang kanyang panig para sa kanyang vision at plano para mapabuti pa ang airport deficiency at financial standing ng paliparan.

Nahaharap ngayon ang airport sa maraming hamon at problema at nagpapatupad na umano ng MIAA d ng mga programa sa pagpapabuti ng operayson ng paliparan.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *