MIAA, inamin ang security lapses sa araw ng umano’y human smuggling sa NAIA

Inamin ng head ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang ilang lapses sa kanilang seguridad sa araw na nangyari ang umano’y human smuggling incident sa main gateway ng bansa.

Ayon kay MIAA General Manager Cesar Chiong na ang kanilang tsinek ay ang driver, at hindi ang pasahero o yung mga sakay dun ng mga sasakyan.

Ang pag-amin ni Chiong, ay kasunod ng pag-usisa ni Sen. Grace Poe, kaugnay sa umano’y hindi check ng mga otoridad sa mga pasahero na pumasok sa paliparan noong February 13.

Maliban dito, hindi rin na-check ng airport authorities ang plate numbers ng mga sasakyan na pumapasok sa NAIA sa oras na iyon.

Kalaunan, nilinaw nito na ang mga plate numbers na tsene-tsek ay batay sa approved list ng mga sasakyan na pumupunta sa loob ng NAIA.

Sinasabing napansin din ng immigration officer ang “unusual” na presensya ng maraming pulis at sasakyan sa area bago umalis papuntang Dubai ang private Dassault Falcon 8X jet, na may lulang pitong mga pasahero.

Una nang sinabi ni Poe, na siyam na mga pasahero dapat ang sasakay sa jet, pero anim  only six were in the flight manifest while another name was only hand written.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *