MIAA, may persons of interest na sa human trafficking ng mga OFWs sa Myanmar

May persons of interest na ang Manila International Airport Authority o MIAA sa mga personnel na posibleng sangkot sa human trafficking sa Myanmar.

Ayon kay MIAA Senior Assistant General Manager Brian Co, may nakuha na silang lead sa imbestigasyon nila na posible umanong mga nagpapanggap na tauhan para ipuslit ang mga overseas Filipino workers papuntang Myanmar para magtrabaho sa isang Chinese crypto-scam operation.

Lumabas sa pagsisiyasat na ang mga personalidad na ito ang nag-iisyu ng mga pekeng exit passes para makalusot sa Immigration ang mga biktimang OFWs.

Hindi rin iniaalis ni Co ang posibildiad na mayroon silang mga personnel na sangkot sa human trafficking sa Myanmar.

Sa kanilang inisyal na imbestigasyon, lumabas na mayroon nang na-intercerpt na ganitong mga uri ng modus.

Paliwanag ni Mabulac, hiwalay ang entrance ng mga pasahero sa mga airport personnel kaya naman hindi na kakailanganin ng kanilang mga empleyado ng pass para dumaan sa mga immigration officials.

Napagalaman kasing may nagpapanggap na mga airport employees para mabigyan ng pass ang mga biktima.

Sa huli, tiniyak ni Mabulac na hindi nila palalampasin ang modus na ito at kaagad na pananagutin ang kanialng mga tauhang mapatutunayang sangkot sa trafficking.

NBI, MAG-IIMBESTIGA NA RIN

Papasok na rin ang National Bureau of Investigation (NBI) sa pag-iimbestiga sa mga iniisyung pekeng stamps at passes para ipuslit ang mga overseas Filipino workeres papuntang Myanmar para ipasok isang Chinese crypto-scam operation.

Ayon kay Justice Secretary Boying Remulla, inatasan na nila ang NBI para siyasatin ang modus na ito na umiiral sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Matatandaang sa expose, napag-alamang binibigyan ng mga passes ang mga mabibiktimang OFW para makalusot sa Bureau of Immigration.

Ang ibinahagi ni alyas ‘Paolo’ sa Senate investigation ang magsisilbi umano nilang starting point sa imbestigasyon ng NBI.

Mababatid na ang BI ay isa ring constituent o attached agency ng Department of Justice.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *