Michael Yang, 8 iba pa, nilagay ng BI sa lookout bulletin

Inilagay ng Bureau of Immigration (BI) sina former Presidential Adviser on Economic Affairs Michael Yang at walo pang indibidwal sa  Immigration Lookout Bulletin Order (ILBO).

Ito ay alinsunod sa utos ng Department of Justice (DOJ) sa ilalim ng hiling ni Senate Blue Ribbon Committee chairman Senador Richard Gordon.

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, kasama sa lookout bulletin sina former chief of the Procurement Service of the Department of Budget and Management Lloyd Christopher Lao, Overall Deputy Ombudsman Warren Rex Liong, at ang mga opisyal ng  Pharmally Pharmaceutical Corporation na sina Twinkle Dargani, Huang Tzu Yen, Krizle Grace Mago, Justine Garado, Linconn Ong, at Mohit Dargani.

Sinigurado naman ni Morente na nakatutok ang kanilang mga tauhan sa posibleng pag-alis ng mga nasabing indibidwal ngunit nilinaw na ang ILBO ay para lamang mamonitor ang posibleng pag-alis ng bansa ng mga indibidwal na sangkot habang may imbestigasyon laban sa mga ito.

Mababatid na nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Senado sa Pharmally matapos itong makakuha ng government contracts na nagkakahalaga ng mahigit P8 bilyon da kabila ng pagkakaroon lamang ng P625,000 capital.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *