Militar at mga rebelde sa Garchitorena , Camarines Sur nagkaengkwentro halos kasunod ng pagsuko ng 2 NPA

CAMARINES SUR- Nagkabakbakan ang tropa ng pamahalaan at mga rebelde sa Garchitorena , Camarines Sur nitong Abril 30, 2023.

Sa opisyal na ulat ng 9th Infantry Division Philippine Army nangyari ito bandang alas 08:48 ng umaga sa Barangay Salvacion kung saan umabot sa 5 minuto ang palitan ng putok.

Narekober ang  isang M1 Garand, isang Rifle grenade, isang M16 magazine, 72 piraso ng mga bala at isang backpack na naglalaman ng mga personal na kagamitan ng mga rebelde.

Samantala, ayon pa sa 9th ID bago pa man maitala ang nasabing engkwentro, dalawang miyembro ng CTG ang sumuko sa 83IB na kinilalang sina alyas “Jiro”, Vice-CO ng RYG, BRPC at alyas “Tala”, na supply officer ng Platoon 2, L1, KP2 nitong Abril 26, na nasa likod umano ng mga operasyon sa bayan ng Garchitorena, Presentacion at Caramoan sa probinsiya ng Camarines Sur, dala din nilang isinuko ang dalawang Anti-Personnel Mines (APMs).

Sa panig naman ng PNP, isnabi ni PMAJ Allan Lopez, nanatili ang police presence sa bayan , katuwang sila ng Phil. Army sa seguriridad. Pinawi naman nito ang pag-aaalala , wala aniyang nadamay sa mga sibilyan, ang lugar ay bulubunduking parte na ng Garchitorena.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *