Militar at NPA, nagka-engkwentro sa Sorsogon

Naka-alerto ngayon ang hanay ng mga pulis at sundalo sa presensya ng rebeldeng grupong NPA matapos ang nangyaring engkwentro, umaga noong Huwebes, Marso 16 sa bayan ng Gubat.

Sa ulat na natanggap ng Brigada News, nagkasagupa ang tropa ng Scout Platoon, Headquarters and headquarters Company (HHC) ng 31st IB at iba pang operatiba katulad ng 96MICO na sinuportahan ng SPPO; JITU Charlie ng 903Bde Intel Family at ng 1st PMFC at hindi tiyka mabilang na miyembro ng NPA.

Ang mga ito umano ay armado ng malalakas na kalibre ng baril at kabilang sa L1, KP3 ng BRPC.

Umabot sa limang minuto ang naging palitan ng putok at wala namang naiulat na nasugatan sa hanay ng tropa ng pamahalaan maging sa rebeldeng grupo na tumakbo sa Kanlurang direksyon.

Bilang SOP, matapos ang engkwentro, agad na nagkasa ng blocking operation ang tropa ng sundalo at pulis sa Brgy Paco at Brgy Patag; Bilang counter measure, ang lahat ng unit commander ay inatasan na maging alerto at paigtingin ang station/camp defense habang ang Gubat MPS ay nagsagawa ng checkpoint sa brgy Ogao para sa posibleng ruta ng pag-atras ng mga rebelde.

Naiulat rin na sa nasabing engkwentro, namataan ang presensya ng commanding officer ng nasabing hukbo na si Fernando De Marquez Dialogo alias Karen ng Brgy Lapinig, Gubat, Sorsogon.

Ito na ang pangatlong engkwentro ngayong taon sa lalawigan, kung saan ang una ay naganap sa Brgy Calmayon, Juban na ikinasawi ng isang Cafgu at ang pangalawa ay sa Brgy San Antonio (Millabas), Pilar, Sorsogon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *