Military charges, inihain na vs. Durante,Licyayo dahil sa pagkakasangkot sa pagpatay kay Yvonette Plaza

Inihain na ang military-related charges kay dating Presidential Security Group head Brigadier General Jesus Durante III at isa pang opisyal ng Philippine Army dahil sa pagkakasangkot sa pagpatay sa negosyanteng si Yvonette Chua Plaza sa Davao City noong December 2022.

Ayon kay Army chief Lieutenant General Romeo Brawner Jr., bukod kay Durante, na umano’y mastermind sa pagpatay kay Plaza, si Colonel Michael Licyayo ay nahaharap din sa mga kaso sa court martial.

Nahaharap ang mga ito sa paglabag sa Articles of War 96 o Conduct unbecoming an Officer and a Gentleman at 97 o Conduct Prejudicial to Good Order and Military Discipline.

Nagbigay na aniya ng kanilang counter-affidavits ang mga respondents at pinag-aaralan na ngayon ng Provost Marshal at ng Judge Advocate sa Philippine Army.

Noong Enero, nagsampa ang pulisya ng mga reklamong murder, obstruction of justice, at theft laban sa 10 suspek sa pagpatay kay Plaza.

Sinabi ni Brawner na kaslaukuyang nasa kustodiya ng Philippine army headquarters sina Durante at Licyayo.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *