Military Parade Competition maituturing na training ground para maging good leaders ang mga estudyante ayon sa isang Retired Phil National Police Official

NAGA CITY – Malaking kontribusyon sa mga estudyanteng kabilang sa ginagawang Military Parade Competition ngayon sa Naga City ang maging future leaders ng ating bansa, ayon ito kay City Councilor Melvin Ramon “Omer” Buenafe, Chairman ng komitiba sa military parade.

Si Buenafe ay retired General ng Phil National Police at isang PMAayer din, kaya nakikita niya kung paano matutulungan ng ganitong kompetitsyon ang mga estudyante.

Batay sa pahayag sa Brigada News FM Naga ni Buenafe, mas nahuhubog ang tamang asal at pag-uugali sa paglahok ng mga ito sa CAT at ROTC sa kani-kanilang paaralan, at lalo na ang mapabilang sa mga contingents sa parade.

Anya’y lalo na ngayong naku-kuwestyon ang kredibilidad pati na rin ang pag-uugali ng mga kabataan, na ang iba ay maagang nasasangkot sa gulo at krimen.

Pinasalamatan din niya ang mga magulang ng mga estudyante, na gumastos, nagpagod at naging cooperative, pati na rin ang mga guro at trainor.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *