Minimum wage ng mga manggagawa, dapat ipaskil sa karatula sa bawat opisina – Sen. Tulfo

Nais ni Senator Rafael “Raffy” Tulfo na maglagay ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng mga karatula sa bawat opisina kung saan nakasulat ang minimum wage ng mga manggagawa.

Sa hearing ng Senate committee on labor, employment, and human resources development, sinabi nitong mahalaga ang mga karatula para malaman ng mga trabahante ang kanilang sweldo at mga benepisyo.

Ayon sa senador, maraming mga manggagawa na hindi alam ang minimum wage sa kanilang lugar at pati ang kanilang mga benepisyo.

Kailangan ding nakasulat sa karatula ang hotline ng DOLE para mabilis na maireport ng mga empleyado ang kanilang mga employer na hindi sinusunod ang minimum wage sa pagpapasahod. 

Dagdag pa ng senador na matagal niya na itong suhestyon sa DOLE nang siya ay brodkaster pa ngunit dinedma lamang ito ng ahensya dahil umano sa kakulangan ng manpower.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *