Misis, patay nang pagtatagain ng mister sa Naga City; suspek patay din nang manlaban sa mga pulis

NAGA CITY – Patay ang isang misis ng pagtatagain nang kanyang mister sa lungsod ng Naga.

Napag alaman kay PSMS Tobias Bongon ang tagapagsalita ng Naga City Police Office, nangyari ito 10:00 kagabi sa Zone 1 Brgy. Mabolo, kung saan kinilala ang biktima na si Yhona Realo, 32-anyos isang Sales Assistant, habang ang suspek naman ay ang asawa nitong si Christopher Realo y Red, isang negosyante.

Lumalabas sa imbestigasyon na matinding selos ang pinag-ugatan ng pag-aaway ng mag-asawa at nagtulak sa suspek upang magawa ang krimen.

Sa pagresponde ng Naga City Police Office sa lugar ay nagkaroon ng negosasyon upang sumuko na ng mahinahon subalit nagmatigas dahilan upang pwersahan nang pasukin ng mga otoridad subalit isang personahe naman ng SWAT ang aksidenteng nataga ng suspek sa balikat kung kaya pinaputukan ito ng mga rumispondeng pulis.

Sinubukan pang itakbo sa pagamutan ang suspek na mister subalit ito ay hindi na umabot pa ng buhay.

Napag-alaman naman kay Kapitan Ramil Job ng Barangay Mabolo na walang bad record sa Barangay ang mag-asawa, subalit isa sa tinitingnan na rason ng mga otoridad na pinag-aawayan ng dalawa ang paggamit umano ng droga ng lalaki.

Sinubukan ng BNFM na kunin ang panig ng mga  kaanak pero hindi nagpa-unlak.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *