Misis, sugatan nang saksakin ni mister na ‘naalimpungatan’

SORSOGON CITY – Kusang sumurender sa himpilan ng Pulisya ang isang mister matapos nito masaksak ang misis sa Brgy Dapdap, Bulusan, Sorsogon.

Kinilala ang mister na si Julius Gallanosa Tan, 41-anyos, walang trabaho at ang misis nito na si Lorna Galos Derla, 21-anyos kapwa naninirahan sa nasabing barangay.

Sa ulat na natanggap ng Brigada News, kusang dumulok sa himpilan ng Bulusan MPS at isinurender ni Tan ang kanyang sarilli.

Isinalaysay nito sa mga pulis na habang siya ay natutulog, naalimpungatan umano siya sa ingay ng kanyang asawa na pinapagalitan ang 2-taong gulang nilang anak saka binalingan siya nito at sinermonan na umano’y ‘’walang trabaho, parating tulog at hindi man lang makahugas ng mga pinggan…’’

Dahil sa naalimpungatan at nainis na rin sa pagbubunganga ng kanyang misis ay nakuha niya umano ang kutsilyo sa kusina at nasaksak niya ang misis na tinamaan sa kaliwang ibabang binti nito.

Agad namang nakatakas ang biktima na kalaunan ay napag-alamang sumakay ng tricycle at nagpahatid sa RHU Bulusan hanggang sa nailipat sa Gubat District Hospital.

Matapos ang salaysay ng suspek ay sinamahan nito ang mga pulis sa kanilang bahay, at itinuro nito ang mantsa ng dugo sa sahig sabay na isinurender ang patalim na kanyang ginamit.

Pansamantalang kinustudiya ng Pulisya ang suspek subalit matapos ang reglamentary period ay pinalaya ito dahil hindi naman umano interesado ang biktima at pamilya nito na kasuhan ang suspek.

Nabatid na ‘back into each other’s arm ang mag-asawa na muling nagkasundo matapos ang insidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *