Miss Bicolandia 2023 candidates, nakapagdagdag ng mga puno sa Naga City

NAGA CITY – Mahigit labing siyam na mga puno ang naitanim sa may Bicol River Esplanade ng Barangay Tabuco, Naga City matapos ang isinagawang tree planting ng mga opisyal na kandidata ng Miss Bicolandia 2023 kasama ang LGU Naga noong Sabado.

Ang nasabing aktibidad ay nasa ilalim ng Forest in Our Midst Program ng Naga City Environment and Natural Resources Office. Layunin ng programa na mapanatili ang preskong hangin sa lungsod at mailapit ang mga punong kahoy sa mga residente o ang tinatawag na urban mini forest.

Sa nakuhang impormasyon ng Brigada News FM Naga kay Engr. Dan Cea, Program Coordinator ng Forest in Our Midst, mga flower-bearing tree na banaba ang naitanim ng mga kandidata. Nagsimula ang programang ito noong Oktubre 2019 at sa ngayon, nasa mahigit 52,000 ng kahoy na ang naitanim sa lungsod.

Samantala, ginanap naman noong Setyembre 2 ang swimsuit and evening gown competition ng mga kandidata. Malalaman ang resulta ng kompetisyon sa mismong coronation night ng Miss Bicolandia 2023 sa Setyembre 6 na gaganapin sa Jesse M. Robredo Coliseum.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *