Miss International, ipinakilala si Nicole Borromeo bilang PH candidate

Sinimulan na ng Miss International na ipakilala ang batch ng mga kandidata para ngayong taon, kabilang si Nicole Borromeo ng Pilipinas.

Ang mga larawan ni Borromeo ay inilabas sa mga social media pages ng Miss International.

Nagbigay ng maikling background ng Cebuana beauty ang mga organizers na nagsabing siya ay nakoronahan noong 2022 ngunit makakalaban lamang ngayong taon.

Maraming Pinoy pageant fans ang nagpahayag ng kanilang suporta sa pamamagitan ng pag-iiwan ng komento sa post ng Miss International tungkol kay Borromeo.

Si Borromeo ang pumalit kay Hannah Arnold ng Masbate na nagtapos sa Top 15 ng Miss International noong nakaraang taon. Kasalukuyan naman hawak ni Jasmin Selberg ng Germany ang titulo.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *