Miss Philippines Earth 2023- Water, nagsalita na sa isyu ng isinuot nyang yellow gown

Nagsalita na si Miss Philippines Earth 2023- Water Jemimah Joy Zabala tungkol sa isyu ng isinuot nyang yellow gown sa ginanap na Miss Philippines Earth sa lungsod ng Toledo nitong Sabado.

Ayon kay Miss Jemimah sa kanyang official facebook post, personal nyang kagustuhan na isuot ang gown na ibinigay ni Leo Almoda, angkop raw iyon sa kanyang kutis bilang isang pinay.

Aminado ito na nahirapan sa pagdadala ng gown habang siya’y nasa entablado at napag-alaman nyang nagkamali siya ng naisuot na sapatos ngunit unti-unti niya itong nadala.

Idinagdag pa niya sa post na hindi niya talaga alam na “suki” na sa mga pageant ang sinuot nyang gown subalit wala raw problema na magsuot ng mga ganoon.

Sa huli, iginiit ni Jemimah na hindi nagpapababa ng tingin sa isang beauty queen ang pagsuot ng mga nirentahang gown o paulit-ulit nang isinuot.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *