Missing persons sa giyera sa Ukraine nasa 15,000 na – ICMP

Kinumpirma ng International Commission on Missing Persons na umabot sa mahigit 15,000 na tao ang missing kasabay ng giyera sa Ukraine.

Sinabi ni ICMP program director for Europe Matthew Holliday na hindi pa malinaw kung ilan ang sapilitang nailipat o nakakulong ngayon sa Russia, kung buhay pa ang mga ito o kung patay.

Aminado naman si Holliday na inaabot ng taon ang proseso ng imbestigasyon sa mga missing sa Ukraine kahit pa matapos na ang giyera.

Binigyang diin ni Holliday na malaking hamon ang hinaharap ng Ukraine lalo pa at nagpapatuloy pa rin ang giyera na inilunsad ng Russian troops sa kanila

Ayon sa mga report, konserbatibo pang maituturing ang 15,000 na missing dahil base sa report ng mga otoridad sa Mariupol, tinatayang nasa 25,000 ang bilang ng mga patay or missing sa kanilang lugar pa lang.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *