Mister na inireklamo ng pananakit ng kinakasama kalaboso matapos mahulihan din ng ilegal na droga

PARACALE, CAMARINES NORTE- Bagsak sa kulungan ang isang lalake na inireklamo ng pananakit ng kaniyang kinakasama at nahulihan pa ng iligal na droga.

Ayon sa pulisya, naaresto ang suspek na si Smith Ross Avellana y Ramos 42, matapos makatanggap ng tawag ang Paracale Municipal Police Station at inirereklamo ang diumano’y pananakit nito sa kaniyang kinakasama na itinago sa alyas na “Joy”.

Agad umanong tumugon ang mga pulis at pagdating sa bahay ng suspek sa Purok 4 Brgy. Bagumbayan ay tumambad sa mga ito ang mga iligal na droga na nakapatong sa lamesa.

Nakuha sa bahay ng suspek ang limang malalaking pakete at tatlo pang maliliit  na naglalaman ng hinihinalang shabu.

Umaabot sa  labing limang gramo ng hinihinalang iligal na droga na nagkakahalaga ng humigit kumulang P72, 000 ang narekober sa bahay ng suspek.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *