Miyembro ng CTG sa Albay, patay sa engkwentro ng tropa ng mga militar

LEGAZPI CITY – Patay ang isang miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) matapos nitong maka-engkwentro ang grupo ng 49th Infantry Battalion kahapon, Mayo 24 sa Brgy. Busac, Ligao City.

Sa ipinalabas na report ng 9th Infantry “Spear” Division Philippine Army, sila ay rumesponde sa sumbong ng ilang mga residente na nangingikil umano ang CTG sa ginagawang Farm to Market Road (FMR) sa nasabing lugar.

Ayon pa sa rumespondeng grupo ng Philippine Army, tumagal ang palitan ng putok nang 5 minuto.

Kinilala naman ang napatay na rebeldeng si alyas “Roy” na isa sa mga natitira sa grupo ng Platoon Dos ng Sub-Regional Committee 5 Bicol Regional Party Committee na nakatira sa Agpay, Guinobatan, Albay.

Sinabi naman ni MGen. Adonis Bajao, Commander ng 9th Infantry “Spear” Division, Philippine Army at Joint Task Force Bicolandia (JTFB) na itigil na ang pangingikil sa mga residente at magbalik-loob sa pamahalaan ang ilan pang myembro ng CTG.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *