CAMARINES NORTE – Timbog ang isang lalaking tulak umano ng iligal na droga sa ginawang buy bust operation Paracale police kamakalawa ng hapon sa Purok 5, Brgy. Tugos, Paracale, Camarines Norte.
Batay sa Police report, kinilala ang narestong suspek na si alyas Jay, 25 anyos, residente ng nabanggit na lugar na miyembro umano ng Rey Gutierrez Drug Group.
Nakuha sa pag- iingat ng suspek ang tinatayang 5 gramo ng iligal na droga na may kabuuang halaga na Php 34,000.00.
Nasa kustodiya na ngayon ng Paracale Municipal Police Station ang suspek para sa kaukulang disposisyon.
Kung maaalala ay napatay ang lider ng naturang drug group na si Rey Gutierez sa buy bust operation ng mga pulis noong Mayo dito sa bayan ng Daet.
