Miyembro ng NPA, sumuko sa PNP.

Boluntaryong sumuko kay PltCol. Socrates E. Faltado Force Commander, Puerto Princesa City Mobile Force Company ang isang miyembro ng New People’s Army (NPA), Bienvenido Vallever Command nitong Sabado, May 22, 2021.

Ayon kay Ka Lopez o Erik, na-recruit siya noong taong 2011 ni Ka Boywan at Ka Miggy at sa pamamagitan ng Executive Order No. 70 o programa ng pamahalaan laban sa mga makakaliwang grupo sa bansa ay nakumbinsing sumuko ito sa mga awtoridad.

Bitbit ni Ka Lopez sa kanyang pagsuko ang isang Armscor 12 gauge riffle shotgun.

Sa ngayon, nasa kustodiya na siya ng City Moblie Force Company at City Intelligence Unit para sa gagawing debriefing at documentation.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *