Miyembro ng “Sorreda Gang” dakip sa entrapment operation sa Virac, Catanduanes

BNFM BICOL—Nahaharap ngayon sa patong-patong na kaso ang umano’y miyembro ng “Sorreda Gang” sa lalawigan ng Catanduanes matapos itong maaresto sa isinagawang entrapment operation ng mga otoridad.

Batay sa ulat ng Virac PNP, kinilala ang suspek na si alyas “Elay” 32-anyos, residente ng Brgy. Palnab Del Norte bayan ng Virac, Catanduanes.

Nag positibo ang suspek sa ikinasang ‘gun buy bust operation’ ng mga otoridad matapos nitong ibenta ang kalibre 38 baril sa nagpanggap na buyer.

Maliban sa nasabing armas, narekober din mula sa posesyon nito ang dalawang bala at anim na pakete na naglalaman ng pinaghihinalaang ‘shabu’ kabilang ang boodle money na ginamit sa transakyon.

Sa kasalukuyan, nasa kustodiya na ng Virac PNP ang suspek para kaharapin ang kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act in Relation to COMELEC Resolution No. 10728 at ang RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

Ang “Sorreda Gang” ay kilala sa pagsasagawa ng mga serye ng nakawan sa bayan ng Virac at sangkot sa pagbebenta ng baril at ilegal na droga kung saan kamakailan din ay naaresto ang itinuturing na lider ng kanilang grupo na si Alyas Kanor.###

Leave a Reply

Your email address will not be published.