MMA fighter Asakura bagsak kay Floyd sa exhibition match

Pinabagsak ni retired undefeated boxer Floyd Mayweather Jr. si Japan mixed martial arts fighter Mikuru Asakura sa isang exhibition match.

Tinamaan ng malakas na kanan si Asakura sa huling segundo ng 2nd round dahilan para bumagsak ito.

Bagama’t tumunog na ang bell hindi naman nito naisalba ang Japanese fighter na bigong makabangon sa sampung bilang.

Nasaksihan naman ang naturang pangyayari ni boxing legend Manny Pacquiao na nanood sa ringside.

Magugunitang nagretiro si Mayweather noong 2017 na may flawless 50-0 record matapos talunin si McGregor sa kanyang final fight.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *