Nilinaw ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na hindi pa rin epektibo ang pagtatanggal sa window hours sa number coding scheme sa Kamaynilaan.
Ito ay matapos irekumenda ang pagtatanggal sa window hours para ipatupad ang 7am-7pm na number coding scheme sa lahat ng mga pribadong sasakyan.
Ayon sa MMDA, ang dating number coding pa rin nila na 7am-10am at 5pm-8pm pa rin ang ginagamit nila sa kasalukuyan.
Maalala, inilabas ang expanded number coding scheme na ito noong nakaraang taon at patuloy pa ring ipinapatupad sa ngayon.
Kung saan ang mga may plate number na 1 at 2 ay ipinagbabawal na lumabas tuwing Lunes, 3 at 4 tuwing Martes, 5 at 6 tuwing Miyerkules, 7 at 8 tuwing Huwebes, at 9 at 0 tuwing Biyernes.