MMDA, hinimok ang mga alkalde at mga LGUs sa NCR na lumahok para sa gaganaping Metro Manila Shake Drill

Hinihikayat ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Acting Chairperson Atty. Don Artes ang mga alkalde at mga kinatawan ng local government units (LGUs) sa National Capital Region (NCR) upang makiisa sa gagawing malawakang Metro Manila Shake Drill na gaganapin nitong July 31.

Makikiisa sa programa ang Department of the Interior and Local Government (DILG) kasama ang Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), Office of Civil Defense (OCD), at Philippine Coast Guard (PCG).

Layunin nitong mapahusay at madagdagan ang kamalayan ng publiko para sa mga dapat gawin kung sakali may mangyaring sakuna.

Dagdag pa ng MMDA, ang nasabing shake drill ay nilalayong mas mapahusay pa ang mga kaalaman ng mga miyembro ng Metro Manila Disaster Risk Reduction and Management Council (MMDRRMC), at mga ahensiya ng pamahalaan upang mapadali ang pagtugon nila pag may dumating na lindol o bagyo.

Samantala, tinitiyak naman ng MMMDA na matututo at mahahasa sila sa mga iba’t ibang scenario at mga gagawing incident command posts sa nasabing Metro Manila Shake Drill. (Jaime Codizal – Brigada News Intern)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *