Iginiit ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na matatapos nila ang pag-aayos ng EDSA bus carousel lanes sa tamang oras.
Ayon kay MMDA Chairman Romando Artes, malaking tulong ang lagay ng panahon sa pagpapabilis ng repairs at paglalagay ng aspalto sa bus lanes ng EDSA.
Dagdag pa ni Artes, tagumpay nilang nailatag ang stop-and-go traffic management plan dahil sinunod ng mga drayber ang alternate routes, at ang iba ay nanatili na lang sa kanilang bahay para hindi dumagdag sa trapiko.
Samantala, naghahanda pa rin ang MMDA sa posibleng matinding traffic sa kahabaan ng EDSA ngayong araw habang libu-libo ang taong babalik sa trabaho at paaralan.
Kung maaalala, ang nakatakdang araw para ma-kumpleto ang road repairs sa EDSA ay sa Martes, Agosto 9.