Inanunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority na inaprubahan na nila ang resolusyon kaugnay ang implementasyon ng number coding scheme mula 7:00 ng umaga hanggang 7:00.
Dahil dito ay inaalis ng MMDA ang kasalukuyang window period para sa mga sasakyan.
Paglilinaw ng ahensya, hindi pa ito ipinatutupad dahil magkakaroon pa sila ng pag-aaral pagdating sa dami ng mga sasakyan dadagsa matapos ang long weekend.
Sa kasalukuyan, epektibo ang number coding mula ala-7 ng umaga hanggang alas-10 ng gabi, at ala-5 ng umaga hanggang alas-8 ng gabi.