MMDA, mahigit 300 motorista ang nahuling dumadaan sa EDSA Busway

Pinangunahan ngayong araw ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Acting Chairman Romando Artes kasama na si Land Transportation Office (LTO) Chief Assistant Secretary Vigor Mendoza II ang pagbabantay sa unang araw ng pagpapatupad ng MMDA Regulation No. 23-002.

Sa ilalim nito ay papatawan ng mas mataas na multa ang anumang pampubliko at pribadong sasakyan na illigal na dadaan sa bus lane or EDSA Carrousel.

Ngunit sa kabila nito ay nakahuli ang awtoridad ng mahigit 300 na motorista kasama na rito ang ilang pulis at taga-gobyerno na dumaan sa nasabing lane.

Maalala, sa ilalim nito ay maaring pagbayarin ng mula P5,000 hanggang P30,000 at pagka-revoke ng driver’s license ang mga motoristang mahuhuling ‘di awtorisadong dadaan dito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *