Nag-inspeksyon ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga bus terminal sa kabahaan ng Cubao.
Pinangunahan ito ni Traffic Discipline Office Director for Enforcement Victor Nuñez.
Kontento naman si Nuñez sa paghahanda ng mga bus terminal sa EDSA Cubao.
Bukod dito, kinamusta ng MMDA ang kahandaan ng kanilang mga traffic enforcers at emergency team na nasa labas ng mga bus terminals.