MMDA sinuspinde ang pagpapatupad ng expanded number coding scheme sa Metro Manila bukas dahil sa transport strike

Sinuspinde ng Metropolitan Manila Development Authority ang pagpapatupad ng expanded number coding scheme sa Metro Manila bukas, unang araw ng isang linggong tigil-pasada ng transport groups

Sa isang advisory, sinabi ng MMDA na ang suspensiyon ng Expanded Unified Vehicular Volume Reduction Program ay upang magamit ang mga behikulong saklaw ng ipinatutupad na number coding kada Lunes dahil na rin sa inaasahang kakulangan ng masasakyan na dulot ng tigil-pasada.

Nauna nang sinabi ng MMDA na magpapakalat sila ng 25 na behikulong mag-aalok ng libreng-sakay upang matulungan ang commuters.

Ikinasa ang tigil-pasada bilang pagtutol ng mga transport group sa ipinatutupad na public utility vehicle modernization program ng gobyerno.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *