MMFF summer edition, magsisimula na sa April 1

Magsisimula na sa April 1 ang summer edition ng Metro Manila Film Festival o MMFF, na kadalasang ginaganap tuwing panahon ng Pasko.

Ang paparating na summer festival ay nakatanggap ng kabuuang 33 film submissions mula sa mga filmmakers na umaasang makakasali sa April film event.

Sa 33 film submissions, 23 ang sinasabing mga bagong entries habang 10 ang nauna nang isinumite para sa ika-48 na edisyon ng film festival noong December 2022.

Sa isang pahayag, sinabi ni MMDA chief at MMFF overall chairman Romando Artes, nasasabik at umaasa siya sa tagumpay ng summer film fest na isa aniyang paraan upang ipakita ang mga lokal na talento sa paggawa ng world-class na pelikulang Filipino.

Ayon sa MMFF, ang announcement ng walong official entries ay nakatakda sa Feb. 24, kung saan pipiliin ang mga ito batay sa artistic excellence (40%), commercial appeal (40%), Filipino cultural sensibility (10%), at global appeal (10). %).

Nakatakdang ipalabas ang summer MMFF sa mga sinehan mula April 8 hanggang April 18, habang gaganapin ang Gabi ng Parangal sa April 11.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *